Noong ilang buwang nakaraan habang nagsu-surf sa net may napanood akong video tungkol sa bagong gawa ng Google. Di tungkol sa gawa ng Google ang sasabihin ko, although exciting din yun, pero tungkol sa narinig ko dun sa video. Sinabi ng isang nagsalita dun na sa paggagawa ng programs malaking bahagi ang ginagampanan ng tool o kasangkapan na ginagamit sa ganda ng programs na maaari mong magawa. Isa sa ginagawa ng mga tools ay ang pagpapadali sa paggawa ng mga paulit-ulit na bagay, tulad halimbwa ng pagbabasa at pagsusulat sa file. Sa pagpapabilis sa mga paulitulit na bagay mas maraming panahon ang mailalaan ng programmer sa pagiisip ng lohika o ng algorithm para sa program na gagawin nya. Pangalawa, kung mas maraming kakayahan na meron ang tool, mas dumarami ang mga posibleng kakayahan na maidadagdag ng programmer sa program niya. Halimbawa kung ang tool ay may taga-salin na ng wikang Hapon papunta sa wikang Ingles, madali na na maidadagdag ng programmer ang kakayahan na pagsalin mula Hapon pa-Filipino kung may ginagawa siyang nagsasalin ng Ingles pa-Filipino na program. Mas nabibigyang laya ang imahinasyon nya sa paggawa ng masmaykakayahan at masinteresting na program.
Ano ang kinalaman ng kakayahan ng tool na diniscuss sa isang Google video sa paggamit ng Filipino? Ang Filipino (o Tagalog) ay isa ring tool. Ito ang wika na pangunahing ginagamit dito sa Manila. Sa regular na usapan, sa lokal na TV, radyo, sa kalye, ito ang pangunahing tool na ginagamit natin upang ibigkas ang ating mga kagustuhan, kurokuro, kwento, kaalaman o katanungan. Ngunit, subalit, datapwat:) sa mga “formal” na mga institusyon natin, sa iskwela at opisina, sa pagiistore at pamamahagi ng kaalaman, ibang tool ang ginagamit natin. Kumbaga may iba tayong tool na ginagamit sa regular at pangarawaraw, at iba naman pagimportante, “formal” o teknikal na bagay ang pinaguusapan .
May dalwa akong katanungan tungkol dito: Di kaya sa paggagamit natin ng iba pang tool o wika para sa mga “formal” at teknikal na kaalaman at ibang tool naman para sa pangarawaraw na gamit, ay may naaksayang panahon o cycles ang utak natin sa pagtatranslate ng pagiisip natin mula sa isang wika papunta sa kabila at vice versa? Oras na imbes na nagagamit sa malalim na pagiintindi ng konsepto o sa paglutas na ng mga teknikal na problema ay naaksaya sa pagsasalin muna sa isipan natin ng mga konsepto o ng mga teknikal na problema na ito sa wika na maskomportable tayo? Maaaring marami sa atin (kasama na ako dun) ay sanay na sa paggamit ng Ingles na wika o tool, kaya kung may panahon man na nakakain sa pagsalin ng mga konsepto, kaalaman o pagiisip mula Filipino papunta dito, ay wala ito kumpara sa sobra sobrang oras naman na naggagamit sa pagsalin mula sa Ingles papunta sa Filipino. Kaya masmainam nalang para sa atin na gumamit ng Ingles pag meron tayong “teknikal” o “komplikado” na konseptong ipararating (tulad sa pagsulat ng blog na ito:)). Pero ito ang pangalawang tanong ko: Di kaya sa dalas ng paggamit natin ng Ingles o ang pangalawang tool , na kahit napakalakas ay di naman galing sa atin at di rin natin maiiaangkin, ay parati nalang nalilimita ang ating kaalaman at “teknikal” na pagiisip sa kung ano ang meron sa wika na ito? Sigurado ba tayo na lahat ng mga konsepto at pagiisip natin ay lubusang maihahayag ng Ingles kung hindi naman ito ang wika na lagi nating ginagamit? Sige given marami sa atin ay ito ang pangunahing ginagamit na wika, ngunit kahit ganunpaman may limitation parin ang Ingles kahit para sa mga Pinoy na likas ng nagagamit ito. Dahil ang Ingles ay hindi wika na pagaari nating mga Pinoy, wala tayong layang baguhin, icustomize , iupgrade, o magdagdag sa wikang ito. Mas-ididiscuss ko ito sa susunod na talata pero dahil nga sa limitasyong ito, kung may maimbento man ang Pinoy na bagong konsepto o bagong pamamaraan ay di ito kaagadagad maipapasok sa wikang Ingles. Kung halimbawa may naimbento tayo ng bagong pamamaraan na kumailangan ng bagong Ingles na salita, baka maluma nalang ang pamaraan na ito sa paghintay ng approval sa institusyon na kumokontrol sa paggamit ng wikang Ingles.
Oo sabihin na natin na ang Filipino ay kung sa isang kotse ay kinakalawang na at napagiwanan na ng panahon, eh kotse parin natin ito. Yung isang tool, ang Ingles, ay parang kotse na iba ang nagmamayari, na kung gusto man natin ipa-modify o icustomize ay wala tayong laya dahil di naman sa atin iyon. Kung gusto man natin iimprove o baguhin ito, sa tingin nyo papayag ang mga taga-alaga ng kaalaman o unibersidad sa mga bansa na nagaari nito, ang Britain at Amerika, na basta basta lang natin babaguhin ang wika nila?
Sabihin man ng marami na ang pangalwang tool na ito, ang Ingles, ay di pagaari ng ano mang bansa at pantay-pantay ang lahat ng mamayan ng ibatibang bansa sa mundo sa paggamit nito, ang sa katotohanan maliit ang kalayaan natin sa pagbago o sa pagpapaganda sa tool na ito. Simple lang ang rason, ang Ingles ay Ingles, ito ang tumatayo ngayong wika ng mundo, di pwedeng ang Ingles sa Pilipnas ay iba sa Ingles sa China. Kahit na may mungkahi man ang mga institusyon ng kaalaman o unibersidad natin na may ipabago o ipadagdag dito, kelangan paring pumayag ung institusyon na nagaalaga ng wikang Ingles (kung saan man yun), sa mungkahi na ito. Kung gusto natin, okey lang din na magkaron tayo ng Filipino na Ingles, na kumbaga sa talinghaga na gamit natin, isang tool na babaguhin at papagandahin natin para masmainam sa kung saan mang paggagamitan natin sa kanya. Kaso bakit pa natin papagandahin yung pangalawang tool kung meron naman tayong pangunahing tool ang Filipino na sariling atin?
Sige ilabas nyo na ang lahat ng kontra niyo sa paggamit ng Filipino para sa pagimbak at paghatid ng “formal” at teknikal na kaalaman. Una, masyadong mabagal ang pagsusulat kung gagamitin ang Filipino para sa teknikal na bagay. Kung Ingles ang gagamitin ilang salita lang sapat na, pag Filipino gagamitin mo ilang minuto pa para sa paghanap ng angkop na salita, at kadalasan masmahaba pa ang gagamitin mong salita o pangugusap kaysa kung Ingles ang ginamit mo. Di siya efficient na tool kumbaga pagteknikal na ang paggagamitan.
Okey ung unang problema: Kung di mo maisip ang salita na gagamitin mo sa Filipino e di gumamit ng dictionary. Sa paggawa ng blog article na ito ay nakahanap ako ng site para sa paghanap ng Tagalog na salita mula sa Ingles at pagcheck kung tama nga ba intindi ko sa isang Filipino na salita. Isa pa kung wala sa Tagalog ang salita, pwede mong hanapin sa Cebuano, Hiligaynon, Ilocano o sa lahat ng mga Filipino na wika ang salita na hinahanap mo. Halimbawa para sa salitang germs bakit tayo gagamit ng mala-Kastila na mikrobyo e kung pwede naman gamitin ang salitang Bisaya na kagaw? O bakit natin gagamitin ang salita na upgrade kung meron namang salitang tungason ang Bisaya (sa magaling magBisaya dyan pasyensya na kung mali ang reference ko, pakicorrect nalang ang site pwede naman)? Kung wala talaga, di magimbento ka ng salita at ipost mo sa net para gamitin ng iba. Year 2009 na tayo, gamitin natin ang ibatibang tool na meron tayo, lalunglalo na ang internet. Masmaganda kung may maimbento ka na Filipinong katumbas para sa madalas na nagagamit na teknikal na Ingles na salita, di hindi na lang puro gay-lingo ang nadadagdag sa ating wika.
Pangalwang problema: Yung pagiging masmahaba ng mga pangugusap sa wikang Filipino kaysa Ingles. Ang Ingles man ay nagkaron ng madaming pagbabago bago umabot sya sa Ingles na kilala natin ngayon. Kaya ang Filipino man ay maaring magbago rin para masmapaganda, mapadali at mas maging efficient ang paggamit sa kanya, lalo na sa teknikal na bagay.
Bilang pangwakas, babalik ako sa talinghaga na ginamit ko na ang wika natin ay parang isang lumang kotse. Actually ang talinghaga na mastama ay ang wikang Filipino ay parang isang open source software, isang tool o kasangkapan na malaya ang sino man na maspagandahin siya. Kung kailangan natin iupgrade ang Filipino, di iupgrade natin. Sa atin ito, sa mga Pinoy. Walang sino man ang may karapatan na pumigil sa atin kung gusto natin itong maspaigihin o iimprove. Di ko mungkahi na bitawan natin ang Ingles. Ito ay napakalakas at epektibo na wika. Marami sa kaalaman sa mundo ay nakasalin dito, halos buong mundo ay marunong nito, kaya tama lang na patuloy nating gamitin ito. Pero wag natin kalimutan ang Filipino. Gamitin lang natin ito at iimprove, at malay natin sa future gamit ito ay makaka-produce din tayo ng ating unang Nobel prize winner. Tingnan nyo ang Hapon di nila kinailangan maging magaling sa Ingles para umangat ang kanilang kaalaman sa teknolohiya.
At sa pinakapangwakas: Sa panahon ngayon, sa panahon ng iPhone at iba ipa, lalunglalo na sa internet at mga tool sa loob nito, Google, Wikipedia. Facebook, wordpress, Yahoo Messenger at iba pa, walang imposible. Kaya natin iimprove ang ating pamumuhay, ang pamamaraan sa pagtransfer natin ng kaalaman, kahit anumang bagay.

But when you add that he could read French, that he taught himself to be literate, among other things, then my mental image of him becomes muddled. The image of him as the man with rolled-up shirt sleeves and pants, barefoot and holding a bolo, doesn’t add up at all. If he really was that intelligent, then why does he come to war with nothing but his bolo and his bare feet? Why was he killed so easily, without any brilliant strategem or a great army?